windshield wipers

August 4th, 2011 by Leave a reply »

     

Pag papalawig ng buhay ng windshield wipers

 

Ang windshield wipers ay isang bagay na may arm at karaniwang nakakabit sa unahang salamin ng sasakyang de motor (hal. kotse, bus, jeepney atbp.). Ang windshield wiper, sa katagalan ng gamit  ay nasisira din at importanteng mapalitan. Marahil ay ayaw mong malagay sa isang sitwasyong habang tumatahak sa kahabaan ng NLEX o kaya ng SLEX sa gitna ng isang malakas na ulan o malakas na bagyo at sa nasabing sitwasyon ay ayaw gumana ang iyong windshield wipers. Gayunpaman, sa halip na palitan mo ito kada ilang buwan pwede mong mapalawig ang buhay ng windshield wipers samantalang napapakinabanganan mo ito sa kasukdulang gamit. Sa pamamagitan ng regular na pag lilinis sa parteng goma ng windshield wipers at pag pahid ng denatured alcohol (91%) sa nasabing goma minsan sa isang buwan. Maaari ding kiskisin ng sandpaper o liha ang parting goma nito. Sa ganitong paraan ng pag lilinis, mapapanatili ang kalambutan at kinis ng goma na kailangan upang kumapit ito at maayos na mapalis o mapunasan ang tubig o anumang natirang dumi na kumapit sa salamin o windshield.

 

                                                                                           

Advertisement